Puro away, napapansin mo ba
Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi
Puro tampuhan, walang katapusan
Mamaya hihinto, di ka na kikibo
Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Kung ayos lang sa yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako
[Chorus]
Kasi nga mahal kita
Di naman pwedeng sabihin na ayaw ko na
Kasi nga mahal kita
Konting masabi, naiinis agad
Ako ba ang mali, oo ba o hindi
Sa buong araw, di pwedeng walang sigawan
Ako nga ang mali, laging nagtitimpi
Di mo naman aamining kasalanan mo nga
Nasasaktan na ako, hoy ano ka ba
Kung ayos lang sa yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako
[repeat Chorus]
Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan
Sige na nga, di naman kita kayang iwanan
[repeat Chorus]
Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away bati tayo
Mahal kita
Kaya di ko sasabihing ayoko na
Kasi nga mahal kita
Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away bati tayo




Cool-Off
Wag ka munang magalit
Ako sana’y pakinggan
Hindi ko balak ang ika’y saktan
Hindi ikaw ang problema,wala akong iba
Di tulad nang iyong hinala
Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa
(Chorus)
Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa
Wag ka sanang lumuha
Sana`y intindihin
Ito ang dapat nating gawin
Upang magkakilala pa
At malaman kung tayo
Ay para sa isa`t isa
Wag mong pigilin ang damdamin
Sa aking pagkawala,Makahanap ka bigla ng iba
Ngunit pakakatandaan
Na mahal pa rin kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa
(Chorus)
Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa
ahh yeah……..
Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita, Pero kilangan ko lang mag-isa
(Chorus)
Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating…
(Chorus)
Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa..
ahh yeah ahh wooooooooooooo..