May 1

May isang lalaking sumisipol ng kanta
May isang pulis na nakatitig sa kanya
May isang dalagang ninakawan ng puso
May isang barkadang hinahanap ng gulo

Naririnig mo ba’t naiintindihan?
Pagkat nararamdaman…

Sa bawat oras mo’y may simula
Sa bawat oras mo’y magwawakas
Sa bawat oras ko’y sumusulyap
Sa bawat oras mong kumakalas

Pagkat sa bawat oras mo
Sa bawat oras mo, may himala

May isang pamilyang nagpapaalam sa ama
May isang tinderong naglalako ng pag-asa
May isang huklubang tulala’t nakayuko
May isang sanggol na natututong tumayo

Naririnig mo ba’t naiintindihan?
Pagkat ang buhay ay nararamdaman

Sa iyo aking iaalay
Sulyap sa ‘king buhay:
Ingatan mo’t dalhin ito
Huwag kang mag-alala
Bayaan mo sila

Pagkat sa bawat oras mo…

  • Share/Bookmark
This entry was posted in Pinoy OPM Lyrics. Bookmark the permalink. Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>