Limang Dipang Tao

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa Abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan patungo kung saan
‘Di ko malaman sa aking dyipning sinasakyan

Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan, ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga

CHORUS 1
Para mama, dito nalang, bababa na ako
Para mama, dito nalang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa ‘yo
Tinatanaw ang pag-akay mo sa babaeng pinagseselosan ko
Sa pagmamadali nadapa ako

Sa bangketang kinatatayuan n’yo
Lumapit ka at tinulungan ako at kita’y tinitigan
Mga mata’y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman

CHORUS 2
Sori mama, pasensya ka na, akala ko’y asawa kita
Sori mama, pasensya ka na, sori’t naabala ka pa
Sori na sabi, sori na sabi, sori mama
Sori’t napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa Abenidang aking kinatatayuan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan ‘di ko malaman

Limang dipang taong nag-uunahan sa uunting
Sasakyang nagdaraan sayang ang jeepning
Kanina’y lulan at ngayo’y nagsisisi
Sa aking pasbubusisi, malaking pagkakamali

CHORUS 3
Para mama, sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para mama, sasakay po, limang dipang taong nag-uunahan
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi, para

  • Share/Bookmark
This entry was posted in Pinoy OPM Lyrics. Bookmark the permalink. Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>